Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Yate Helicopter

Willie Revillame pinakamalaki ang pang-apat na yateng binili

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKALAKI at napakagarbo ng napasyalan naming bago na namang yate ni Willie Revillame sa Manila Yacht Club.

Naipasyal kami noong Miyerkoles sa isa sa apat daw na yate na pag-aari ng host/singer na si Willie na naka-dock sa Manila Yacht Club. Sa aming pagmamasid, ang yate niya ang pinakamalaki at bukod-tanging may helipad at doon naka-land ang kanyang helicopter.

Nilibot namin ang yate at napasok namin ang tatlo sa anim na kuwarto roon na naglalakihan at napakalinis. Bawat isa ay may malalaking telebisyon at may kanya-kanyang CR bukod pa sa common CR bago sa pagpasok sa mga kuwarto. Hindi lang kami sure kung ilan ang kuwarto ng yate. Pero 

***Sinasabing mas malaki ito sa yateng naibenta noon ni Willie na milyon ang halaga at may limang bedroom. At tiyak kaming mas malaki ang yateng napasyalan namin sa yate ni dating Gov Chavit Singson.

Ayon na rin sa kapitan na nakausap namin, pang-apat na ang yateng napasyalan namin. Upgrade din ng upgrade si Willie na ang ibig sabihin, ang huli ang pinakamalaki. 

Kapansin-pansin di  ang sobrang linis ng yate na bago ka makapasok ay kailangang maghubad ng sapatos. Ganoon daw kasi talaga kalinis si Willie kahit sa bahay nito sa Tagaytay na napunthan na ng ilang sa mga kaibigang entertainment press.

At kaya malinis ang yate ay araw-araw na pinalilinis talaga iyon ni Willie. Ayaw kasi nito na makalat at marumi. 

At kahit nga sa pinakatuktok ng yate, kapansin-pansin din ang pagka-ayos ng mga gamit at pagkalinis. 

Bukod sa yate, helicopter, may mga speed boat din si Willie.

Iba ka talaga Willie, ikaw na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …