Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Loisa Andalio Charlie Dizon Alexa Ilacad Elisse Joson PPP

Loisa at Alexa todo papuri sa mga kasamahan sa Pira Pirasong Paraiso 

MALAKI ang pasasalamat ng mga bida ng Pira-Pirasong Paraiso na sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson sa mga papuri ng mga manonood para sa kanilang serye na umiigting ang mga eksena para sa huling dalawang linggo. 

Ikinuwento nina Loisa at Alexa sa isang episode ng Magandang Buhay kamakailan na nang dahil sa suporta ng viewers, maayos nilang nabigyang-buhay ang kani-kanilang mga karakter at naging matagumpay ang takbo ng serye na nakamit nito ang all-time high record na 118,395 live concurrent views sa Kapamilya Online Live noong Nobyembre.

“Noong nabigyan ako ng isang eksena na action, natuwa po sila kaya sunod-sunod na ‘yung action scenes. Hindi kasi kami nag-training pero may nagtuturo sa amin sa set. Si Ronnie [Alonte], malaking parte rin siya sa akin kasi siya ‘yung nag-guide sa akin sa fight sequences,” ani Loisa na ito ang unang beses na sumabak sa action scenes para sa isang serye.

Wagas din ang pasasalamat ni Alexa sa kanilang mga co-star, kabilang sina Ronnie Alonte, KD Estrada, at Joseph Marco, dahil nakabuo siya ng pangalawang pamilya sa kanilang matibay na samahan on at off cam.

Sobrang proud ako sa show na ito at sa bawat isa sa amin. For me, we finished with flying colors and we really built a strong connection. More than being sad that it’s over, I’m more proud of what we accomplished,” saad niya. 

Labis din ang papuri ng veteran actresses na sina Snooky Serna at Sunshine Dizon sa buong cast ng Pira-Pirasong Paraiso. Para sa kanila, naipakita ng mga ito ang kanilang husay sa pag-arte at pagiging marespeto sa bawat isa sa kanilang mga co-star.

Ang Pira-Pirasong Paraiso ay isang co-production series ng ABS-CBN at TV5 at ito ay sa idinirehe nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag

Sa huling dalawang linggo ng Pira-Pirasong Paraiso, nanganganib ang matagal nang pinapangarap na hiling ng Paraiso sisters na mabuo muli ang kanilang pamilya dahil mas pinalakas pa ni Criselda (Rosanna Roces) ang kanyang puwersa, kasama sina Jacinda, Badong, at Hilary (Snooky, Epy Quizon, at Elisse), para maghiganti at pabagsakin sina Amy, Beth, at Diana (Loisa, Alexa and Diana). 

Tutukan ang Pira-Pirasong Paraiso, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. at kada Sabado, 3:00 p.m., sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …