Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Quizon

Eric gusto sanang magka-anak sa pamamagitan ng surrogacy

MA at PA
ni Rommel Placente

WALA nang balak na mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya si Eric Quizon dahil sa pagiging abala niya sa kanyang trabaho, lalo na sa pagiging administrator/executor sa naiwang properties ng namayapang ama, ang King of Comedy na si Dolphy.

Sa guesting ni Eric sa YouTube channel ni Ogie Diaz na Ogie Diaz Inspires, tinanong siya nito  kung choice ba niya na hindi siya mag-anak, dahil nga wala na siyang balak mag-asawa.

Sabi ni Eric, “To be honest, it came to a point na I wanted to do surrogacy.  Kasi kapag surrogacy, iniisip ko less problema, baby lang ang iisipin ko. However, ang nangyari kasi, my dad died. So, I was asked to take over, ako ‘yung parang executor ng estate.

“If you notice hindi ako masyadong lumalabas kasi nga inilagay ko ‘yung time ko sa pag-handle ng estate,” paliwanag pa ni Eric.

Nabanggit pa niya na kahit siya ang administrator o namamahala ay hindi siya ang nagde-decide kundi manggagaling ito sa kanilang 18 children na naiwan ni Mang Dolphy.

Sundot na tanog ni Ogie, “Dahil sa task mo, ay hindi mo na nabigyan ng chance ang sarili mo?”\

“Oo nga, ni isa wala ako, pero alam mo anong nangyari? Instantly, para akong biglang naging tatay kasi, I accepted this work now sa isang channel bilang talent head. Instantly, mayroon akong 32 kids.

Naiintindihan ko na kung paano maging stage father. Alam ko na ‘yung feeling na kapag nagpe-perform sila, kinakabahan ako, parang anak mo, eh.

“So, yes I must admit na because of that (daming work) hindi ko na naisip ‘yun (magkaroon ng anak). Siguro I was not meant to have my own, but to adopt new kids.”

Aminadong walang background sa pagha-handle ng talents si Eric, pero humihingi siya ng payo sa mga kilalang talent managers tulad sa kanyang manager na si Dolor Guevarra. June Rufino na manager ni Luis ManzanoShirley Quan na manager ni Bea Alonzo at si Ogie, na maraming experiences na sa pagma-manage ng mga kilalang artista.

Nakikita ko kung paano kayo mag-handle ng talents and never in my wildest dreams na iniisip ko na mag-handle ako ng talents,” diin ni Eric.

Samantala, inamin ni Eric na plano niyang ligawan noon si Aiko Melendez. Na kaya hindi niya itinuloy ay dahil sa age gap nila, na nine years ang agwat ng edad nila.

Naging close kami kasi naging magka-loveteam kami. There was a time na parang mayroon at nagkita pa kami sa Hongkong pero nakita ko ‘yung age difference namin at naisip ko na parang pedophile naman ang dating ko, pero naging magkaibigan kami na to the point na hindi namin nilalagyan ng malisya ‘yung closeness namin na hihiga ako sa lap niya at hihiga rin siya sa lap ko,” kuwento pa ni Eric.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …