Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya karir muna ang uunahin bago lovelife

MATABIL
ni John Fontanilla

MAS priority ngayon ni Sanya Lopez ang career over lovelife.

Tsika nito sa isang interview, “Parang hindi pa ako umabot sa part na gustong-gusto ko na [lovelife] ‘yung parang sige na ibigay niyo na sa kin ‘to, hindi pa naman ako umabot sa ganon.”

Dagdag pa nito, “Ayoko rin namang umabot kasi so far lahat ng nangyayari sa akin happy talaga ako. 

“Hanggang ngayon hindi pa ibinibigay sa atin, ang sabi raw kapag suwerte ka sa career talagang pagdating sa love life mailap.

“Parang ang hirap pumasok sa isang love life na hindi mo maibigay ‘yung tamang oras para sa kanya.

Parang nabanggit ko ‘yun before na kapag may ibinigay sa akin isang bagay focus talaga ako roon.

“Kaya noong ibinigay sa kin ‘yung trabaho talagang tutok ako rito.”

Hindi naman nagmamadaling magka-lovelife si Sanya, naniniwala ito na may right time para rito dahil kung para sa ‘yo, kusang darating ito ng hindi hinahanap. 

Ang mahalaga ay bongga ang kanyang karir at happy naman siya sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang pamilya, kaibigan at ng kanyang avid  fans.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …