Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Jennylyn saludo kay Dennis sa pagiging hands on tatay kay Dylan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILIB si Jennylyn Mercado sa pagiging tatay ng mister niyang si Dennis Trillo.

Lahad ni Jennylyn, “Hindi ko in-expect na ka-level ko ‘yung pagka-hands on niya.

“Kahit galing taping, 1:00 a.m. umuwi ng bahay, hindi na siya matutulog kasi siya ang night shift.

“Ever since ganoon kami, simula noong newborn si Dylan. 

“Talagang hindi siya matutulog kung kinakailangan.

“Aantayin niya ako magising, tapos ako naman papatulugin ko naman si Dylan.”

Simula raw na wala pang one year old si Baby Dylan ay wala silang kinuhang yaya.

Kasi bago mag-isang taon si Dylan, kami lang, eh. Wala kaming yaya.

“Noong bumalik na si Dennis magtrabaho, ‘Ay, kailangan na natin kumuha ng makakasama,’ kasi hindi ko naman kaya mag-isa. 

“Lalo umilikot na, hinahabol ko na.”

Dagdag pa ng aktres, “Mine-make sure namin na hindi kami sabay na wala sa bahay. Kailangan isa sa amin nasa bahay.

“Good thing iisa na rin ang management namin kaya naaayos ng mabuti ‘yung sked.”

Nasa ilalim ng Aguila Talent Management nina Tita Becky Aguila at anak nitong si Katrina ang mga career nina Jennylyn at Dennis.

Napapanood si Jennylyn bilang bidang si Angela sa Love. Die. Repeat. sa GMA Prime na leading man niya si Xian Lim bilang si Bernard.

Kasama nila rin dito sina Mike Tan bilang Elton, Ina Feleo bilang Jessie, Valeen Montenegro bilang Chloe, Valerie Concepcion bilang Gretchen, Shyr Valdez bilang Hilda, Ervic Vijandre bilang Jerome, Faye Lorenzo bilang Diane, Victor Anastacio bilang Isaac, Nonie Buencamino bilang Danilo, Malu de Guzman bilang Kanlaon, at Samantha Lopez bilang Florence.

Sa ilalim ito ng direksiyon nina Jerry Sineneng at Irene Villamor.

Napapanood ito 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …