Sunday , December 22 2024
Isko Moreno Tahanang Pinakamasaya

Yorme Isko kuntento sa bagong titulo ng noontime show — kilala naman ng tao, basta magpapasaya kami

I-FLEX
ni Jun Nardo

TWENTY-FOUR years na ang marriage ni Yorme Isko Moremo sa wife niyang si Dynee. Patunay ang wedding nila na wala sa haba o iksi ng engagement ang tibay ng pagmamahalan ng dalawang tao.

Isang buwan lang kami, nagpakasal kami agad. And now, going silver na ang marriage namin. Hindi mo alam talaga at wala sa haba o iksi ang itatagal ng pagsasama ninyo,” rason ni Yorme nang makausap namin sa Scott Media Production office niya sa BGC.

Hindi lang sa married life niya masaya si Yorme. Maging sa itinayo niyang Scott Media dahil nakikilala na ito bilang isang content creators, nagbibigay ng trabaho pa sa tao.

Eh pagdating sa title ng noontime show niyang Tahanang Pinakamasaya, ano ang feeling niya sa recent developments sa titulo ng show?

Kuntento na kami. Kilala na rin ng tao ang show. Saan man kami magpunta, sinasabi na nila ang title. Basta kami, magpapasaya lalo na sa coming segments ng show. ‘Yun na ang sinasabi ng tao,” pahayag ni Yorme.

Eh ayon pa kay Yorme, mataas pa rin ang ratings nila at hindi sila iniwan ng advertisers ng show.

“Tuloy lang ang aming pagtulong at pagpapasaya!” sambit ni Isko na soon ay mapapanod na ang mga eksena sa Black Rider nilang si Tiagong Dulas.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …