Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Paulo Avelino JM de Guzman Linlang

Dahil sa gigil ng televiewers
KIM CHIU GUSTONG ‘TAGASAN’

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SAYANG at hindi nakarating kapwa sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isinagawang Linlang: The Teleserye Version mediacon kahapon ng tanghali sa Dolphy Theater dahil may Covid ang mga ito.

Buong-buo nang mararamdaman ang gigil at kaba kina Kim, Paulo, at JM de Guzman dahil mapapanood na ang Linlang: The Teleserye Version simula Enero 22 na tampok ang mga bagong eksenang hindi pa ipinalalabas. 

Gabi-gabi na ngang mapapanood, 8:45 p.m. pagkatapos ng FPJ’s Batang Quiapo ang Linlang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Kaya tiyak na masasagad sa gigil ang mga manonood dahil bukod sa never-before-seen scenes na ipakikiya sa Linlang: The Teleserye Version, ipakikilala rin ang iba’t ibang kuwento ng mga karakter at iba pang mga kaabang-abang na mga sikreto sa likod ng panloloko at paghihiganti sa serye.

Ayon nga kay Kim dahil sa gigil ng mga televiewer kay Juliana (karakter na ginagampanan niya), may mga nagkokomento sa kanya na gusto siyang tagasan.

“‘Yung mga negative comment na tulad ng ‘gusto nilang ‘tagasan’ o ‘gripuhan sa gilid’ si Juliana na nakaka-happy na bash. Kasi ibig sabihin lang niyon effective si Juliana. Na galit sila kay Juliana at hindi kay Kim Chiu,” anang aktres. 

Umiikot ang kuwento ng serye sa panloloko at pagtataksil ni Juliana (Kim) sa asawa niyang si Victor (Paulo), isang dating sikat na boksingero na naging seaman. 

Matutuklasan ni Victor na may ibang lalaki si Juliana at ito ay walang iba kundi ang kapatid niyang si Alex (JM), isang matagumpay na abogado.

Magiging tanging misyon ni Victor ang maibulgar ang lahat ng sikreto nina Juliana at Alex pero kapalit naman nito ang pagdiskubre niya sa mga masalimuot na katotohanan na maaaring ikawasak ng kanyang pagkatao at pamilya. 

Kasama sa cast ng Linlang ang mga premyadong aktres na sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada. Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice. Sina FM Reyes at Jojo Saguin naman ang mga direktor ng serye.

Kaya simula Enero 22, sagarin ang gigil sa panonood ng Linlang: The Teleserye Version, 8:45 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …