Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi pamilya naman ang haharapin lumipad ng Thailand

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NASA Thailand for four days si Vilma Santos kasama ang kanyang buong pamilya.

Since mag-New Year at umuwi ang kanyang mga kapatid and their respective families from the USA, talagang todo bonding ang iskedyul ni Ate Vi.

Although nakita natin siyang kasama ang asawang si Sec. Ralph Recto noong manumpa ito bilang Finance Secretary sa Malacanang, “family time” talaga ang naging priority ni Ate Vi, with her siblings, nieces and nephews and the rest.

Pero bongga pa rin sa mga ever supportive Vilmates-Vilmanians si Ate Vi dahil lagi namin siyang nakakausap via phone patch sa lahat ng mga block screenings ng When I Met You in Tokyo.

Yes, sa halos isang-dosenang block screenings na na-invite ako bilang program host mula sa mga grupong VSSI, SILVI, OFW, at OWWA, kung hindi man present sina Ate Vi kasama ang cast members ng movie, always ready at available ito sa mga phone patch.

Naganap nga ang last block screening namin last Sunday (January 14) at dito nga naibalita ni Ate Vi na pupunta silang magkakapatid and their families sa Thailand bago pa umuwi ang mga ito sa Amerika.

At dahil sa todo-todo niyang pagpo-promote ng movie last December, ‘yung mga na-pending naman niyang ibang mga trabaho ang kanyang aasikasuhin pagbalik ng Thailand.

Kaya hindi raw talaga siya makaka-join sa Manila International Film Festival na gagawin sa LA, USA sa January 29- Feb. 2.

May mga commitment tayong na-bump off last year pa since mag-start ang promo ng ‘When I Met You in Tokyo.’ Sinisingil na tayo ngayon kaya mananawagan na lang po ako sa mga kababayan natin sa States at sa ibang part ng mundo na posibleng pagpalabasan ng movie, sana po ay patuloy pa ang inyong suporta,” sey pa ni Ate Vi.

Kaya naman ang mga Gen Z at kahit ang mga centennial (hahahaha, tawag namin sa mga ate at kuyang Vilmates) ay nag-aligagang gumawa ng mga video at recorded voice ni Ate Vi na nagpapasalamat at nag-iimbita sa mga ito sa USA man o saang panig ng mundo.

Hayaan na natin sila. Sanay na sanay na tayo sa mga ganyan. Ang mahalaga, masaya ang mga tao, ang mga kasama natin sa movie, ang mga producer at ang buong industriya dahil sa tagumpay ng MMFF,” susog ni Ate Vi sa mga naglalabasang nega tsika lalo na sa naging box-office results ng WIMYIT pati na ang iilang iniintriga ang kanyang Best Actress win sa MMFF.

For the record po, as we write this, naglalaro sa top 4, 5 and 6 ang box-office standing ng WIMYIT na lalong lumakas after ng ten-days festival at mas posible pang kumita dahil sa gagawing pagpapalabas abroad.

‘Yun na!

About Ambet Nabus

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro …