Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Julia Barretto

Julia itinambal kay Aga para matangay sa kasikatan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SABI nila naging partner na raw ni Aga Muhlach ang lahat ng mga Barretto. Mula sa pinakaunang nag-artistang si Gretchen hanggang sa bunso ng pamilya na si Claudine, at ngayon naman ang ikalawang henerasyon na nila, si Julia na pamangkin nina Gretchen at Claudine.

Pero may iba kaming anggulong nakikita sa pagtatambal nina Aga at Julia. Gusto nilang matangay ng popularidad ni Aga bilang isang actor ang baguhang si Julia. Marami na rin namang ginawa si Julia, binigyan pa nga siya ng isang launching movie na nagpa-sexy na rin siya, pero hindi siya talagang umangat. Sinasabi ngang noong araw na love team pa sila ni Joshua Garcia, mas malakas pa ang kanyang dating kaysa ngayon. Pero ang sinasabi nga ng iba, kung nagawa ni Gabby Concepcion na tangayin ang wala pa noong pangalang si Sanya Lopez na biglang naging big star, bakit naman hindi mangyayari ang ganoon kung itatambal si Julia kay Aga?

Iyon nga lang mas madaling tangayin si Sanya dahil nagkaroon na iyon ng malaking boost nang bigla siyang maging bida sa serye nilang Engkantadia, dahil nabuntis naman si Kylie Padilla na siya talagang bida roon. Tapos tinanggihan naman ni Marian Rivera ang role ng isang yaya na siyang naging dahilan para mas mapansin si Sanya, hanggang sa nasundan pa iyon ng isa pang top rater na binubuo ng pareho ring cast kaya nga ang aktres ngayon ang sinasabing first lady ng primetime. 

Ngaykn itinambal si Gabby sa iba muna bakit nga naman hindi nila sabayan ang pagkakataong iyan para ipabuhat naman kay Aga si Julia?

Pero mas mahirap buhatin si Julia. Naging negative iyong bata dahil sa naging sitwasyon nila noon ng ka-love team na si Joshua. Walang sabi-sabing iniwan niya si Joshua at nakipag-syota kay Gerald Anderson na syota naman noon ni Bea Alonzo. Walang duda ang simpatiya ng tao ay mas nakuha ni Joshua kaya iyon ang sumikat nang mahiwalay sa kanya at siya ang medyo tumagilid ang career. Tumagilid pa siya nang mahalo sa controversy ng kanyang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine na nangyari pa naman sa burol mismo ng kanyang lolo ang tatay ng kanyang mga tiyahin. Mas naging kontrobersiyal pa iyon dahil nangyari habang nasa burol ang dating presidente Duterte noon.

Tapos may isa pang hindi natatapos na conflict si Julia at ang kanyang mga kapatid sa tatay nilang si Dennis Padilla na parang lumalabas na itinakwil nila sa hindi malamang dahilan. Hindi mo naman masisi si Dennis dahil ganoon din ang sitwasyon ni Kier Legaspi sa anak niyon kay Marjorie.

Malakas si Aga kung sa malakas pero kung hanggang saan niya kayang buhatin si Julia, iyan ang hindi namin masasabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …