Sunday , December 22 2024
Xyriel Manabat

Xyriel mas feel makahalikan ang kapwa babae — feeling ko kasi mas komportable  

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG best friend ni Andrea Brillantes na si Xyriel Manabat ay isa sa cast ng Senior High. Inamin ng dating child star na isa sa mga pinapangarap niya ngayon ay ang makagawa ng GL (Girls Love) project o isang seryeng tungkol sa pag-iibigan ng dalawang kapwa babae.

Na-inspire raw kasi siya sa gay love story ng mga karakter nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez sa kanilang teleserye.

Kung saka-sakaling bigyan siya ng GL project, bukas si Xyriel sa totoong intimate scene sa sinumang ipapapareha sa kanya.

Pakiramdam ni Xyriel ay mas magiging komportable siya sa kissing scene onscreen kung ang kanyang makakahalikan ay kapwa babae.

Sabi ko nga dati, kapag nag-aasaran at nagtatanungan kami nina Kuya Zaijian at niyong boyfriend ko, na ‘Okay lang kaya [ako] makipag-kissing scene?’ ganyan.

“Kapag tinatanong sa akin, kung totoo man, kasi ‘yung sa amin ni Archie wala po talagang dumikit doon, clarification lang.

“Kaya feeling ko, kung mag-o-onscreen first kiss scene, gusto ko talaga sa babae. Kasi feeling ko, mas komportable ako kapag ganon.

“Feeling ko, walang ilangan, less issue, and less hassle.”

Ang Archie na tinutukoy ni Xyriel ay ang Senior High co-star niyang si Elijah Canlas.

Kung may offer ngang GL series kay Xyriel, ang gusto niyang makatambal siyempre, ay si Andrea Brillantes.

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …