ni Ed de Leon
NATATAWA na lang kami noong isang gabi nang maalala namin ang kuwento sa amin ni John Nitenoong gabing magkita kami sa reunion ng That’s Entertainment. Napag-usapan kasi namin ang isang male starlet na kakilala rin pala ni John Nite at alaga daw ng isang kaibigan nila.
Sinabi naman ni John Nite na may hitsura ang male starlet at kung titingnan mo nga ay may class. Pero sabi nga niya ang starlet ay bading din sa totoog buhay at kaya laging may pera ay “gay for pay” nga. Iyan iyong mga bading na may hitsura, nagpapanggap na mga totoong lalaki at nanananso ng kapwa nila bading.
Totoo pala iyon, istambay siya sa isang bar-club na maraming mga bading at mga gay for pay din, at doon siya naghahanap ng kanyang mga kliyente.
“Bata pa iyan istambay na iyan sa club at nakikipag-syota na sa mga bading,” sabi pa ng isa naming source.
Pero ngayon daw ay iba na ang drama, siya na ang nanliligaw at nagbabayad pa sa mga type niyang pogi. Ibig sabihin, pumirma na siya ng lifetime membership sa “asosasyon.”