Friday , November 22 2024
Enchong Dee Gomburza

Enchong Dee ‘di napansin, nakahihinayang ang galing  

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGULAT din daw si Enchong Dee sa lumaking kita ng pelikula nilang Gomburza matapos na iyon ay manalo ng mga award sa MMFF (Metro Manila Film Festival).

Natural napag-usapan ng mga tao eh at marami namang nagsabi na maganda ang kanilang pelikula na ginawa ni director Pepe Diokno sa ilalim ng Jesuit Communications. Kung iisipin maliit pa nga iyan eh dahil iyong unang pelikula ng Jesuit Communications na Ignacio de Loyola ay ipinalabas pa sa iba’t ibang bansa at sinasabing unang pelikulang Filipino na ipinalabas sa Vatican at pinanood mismo ng Papa na kabilang din sa samahan ng mga Heswita.

Para naman kasing big time Hollywood movie ang pagkakagawa niyon.

Iyon din ang kalidad na nakita ng mga tao sa Gomburza bukod nga sa historical iyon at nagmulat sa kanila sa ating kasaysayan ang kuwento ng Gomburza na nakalimutan na ng mga tao kaya nga noong matanong sa isang contestant sa isang tv show kung ano ang tawag sa tatlong paring martir ang isinagot ay Majoha.

Pero sayang maganda ang pelikula ng baguhang actor na si Cedrick Juan na gumanap sa role ni Jose Burgos ay naging best actor, pero hindi nga napansin nang husto si Enchong. Kung tutuusin ang kanyang role bilang si Padre Jacinto Zamora ang may pinakamagandang kuwento.

Si Padre Zamora ay mas naunang naging pari kina Burgos at Gomez na naging magkaklase pa sa seminaryo. Si Zamora ay minahal ng kanyang mga parishioners sa Cavite sapagka’t tumutulong siya sa mga iyon, nagpapahiram ng pera at nakikiisa sa kanilang mga paghihirap noong panahong iyon. Mas naging madamdamin ang nangyari kay Zamora dahil ginamit na ebidensiya laban sa kanya ang isang sulat na kanyang ginawa na nag-aanyaya sa mga kaibigan niyang maglaro ng baraha,  at nang sila ay bibitayin na, si Zamora ay kailangang buhatin paakyat sa garrotte dahil siya ay nanghina at halos nawalan ng malay dahil sa sama ng loob.

Ang higit na dramatiko roon ay nang hilingin ng Gobernador Heneral Izquierdo na alisan ng abito ang tatlong akusadong pari na hindi pinagbigyan ni Arsobispo Martinez ng Maynila dahil hindi siya naniniwala na ang tatlo ay may kasalanan. Kaya iniutos ng arsobispo na hayaan silang mamatay na suot ang kanilang abito at pinatugtog din ang mga kampana sa mga simbahan sa Maynila bilang pagkilala sa kabayanihan ng tatlong pari.

Kung tutuusin, batay sa istoryang totoo, si Enchong ang dapat na may pinakamagandang role sa tatlo pero siyempre si Burgos ang lalabas na mas bida dahil naging estudyante niya si Paciano Rizal na siyang dahilan kung bakit naman sila nakilala ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. 

Ang ipinaglalaban ng tatlong pari ay hindi ang kalayaan ng Pilipinas, kundi ang sekularsasyon ng simbahan sa Pilipinas pero dahil sa pagkakapaslang sa kanila, iyon ay pinag-ugatan din ng himagsikan ng mga Filipino. Siguro kung alam lang ni Enchong ang tunay na kasaysayan, mas nabigyang buhay pa niya ang kanyang role at baka napansin din siya ng mga tao.

Ang nangyari nakasama siya sa isang award winning film pero hindi siya napansin.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …