Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes

Andrea ayaw matali sa iisang loveteam

MA at PA
ni Rommel Placente

SINABI ni Andrea Brillantes sa finale mediacon ng pinagbibidahan niyang hit suspense-drama series na Senior High mula sa ABS-CBN na hanggga’t maaari ay ayaw niyang matali sa isang loveteam. Naniniwala siya na mas maggo-grow siya bilang isang aktres kung mabibigyan ng iba’t ibang klase ng projects na iba’t iba ang kapareha.

Wala naman siyang issue sa mga loveteam, pero para sa kanya, mas mahahasa pa ang kanyang akting at pagiging artista kung makakatrabaho niya ang mga magagaling at premyadong aktor at aktres sa showbiz.

Mas marami na akong nagagawa ngayon, and bago siya. Dati kasi, parang lagi akong may ka-love team. Na-enjoy ko siya, masaya siya, iba ‘yung pakiramdam kasi independent ako. 

“Pupunta ako sa set na work lang talaga. Iba kasi iba ‘yung gaan na mayroon kang kasamang new sa work. Iba ‘yung power na naibibigay niya sa ’yo, at saka feel ko na mas independent ako. Masaya siya,” sabi ni Andrea.

Samantala, mixed emotions ang nararamdaman ng dalaga ngayong malapit nang magtapos ang Senior High.

Hindi pa rin siya makapaniwala na last two weeks na lang sila sa ere na malalantad na kung sino talaga ang pumatay kay Luna, ang kakambal ni Sky na pareho niyang ginagampanan.

Wala po talaga akong time para mag-sink in sa akin ‘yung sepanx or ano. Nagkaroon na lang ng isang moment na, ‘Oh my gosh, after nito, next na namin kita sa 19 (January, final episode ng serye).’

“Lagi ko po iniisip, magkikita at magkikita pa kami. Noong na-close ko ‘yung scene ko, feeling ko nagkaroon ako ng closure, kasi isinapuso ko talaga ‘yung hurt,” ayon pa kay Andrea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …