Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wawit Torres PSC

Torres, Paralympians sa TOPS Usapang Sports

TAMPOK na panauhin si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Walter Francis ‘Wawit’ Torres kasama ang tatlong premyadong Paralympians sa pagbubukas ng 2024 session ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Enero 11) sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

Ibabahagi ng dating Olympic fencing veteran ang kaganapan sa mundo ng paralympics kung saan bahagi ng kanyang responsibilidad at gawain bilang PSC Commissioner ang pangangasiwa sa mga atletang may kapansanan.

Inaasahang makakasama niya sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweats ganap na 10:30 ng umaga sina Tokyo Paralympian Jerrold Mangliwan,  ASEAN multi medalist swimmer Angel Otom, at Para legend Ernie Gawilan.

Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth ‘Beth’ Repizo ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiasts na makilahok sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa Facebook page TOPS Usapang Sports, Bulgar FB page, gayundin sa Channel 8 ng mobile apps PIKO (Pinoy Ako). (HATAW NEWS TEAM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …