Sunday , December 22 2024
RAMPA Drag Club LGBTQ+

RAMPA Drag Club: bagong entertainment venue para sa LGBTQ+ community

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GAME at open kahit sino sa mga gustong pumasyal at mag-chill sa bagong bukas na drag club, ang RAMPA.

Ito ang nilinaw ng mga may-ari ng Rampa na sina RS Francisco, mag-asawa Ice Seguerra at Liza DiñoLoui Gene Cabel, ang mga drag queenna sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe at Brigidingat ang negosyanteng si Cecille Bravo.

Sa January 17 ang soft opening ng RAMPA at sinabi ni RS na, “Okay ako, kami sa lahat. Walang masamang tinapay para sa akin. Ganoon naman talaga, alam n’yo naman iyan lalo na sa mga press friends ko, walang masamang tinapay sa akin.”

“This will be a place na comfortably makapupunta, sabi nga straight o ano pang preference mo, you can be comfortable of who you are. Even siguro family mae-expose sila tapos magkakaroon sila ng different prespective sa mga drag queen at sa iba pang magpe perform,” sabi naman ni

Ms Cecille.

Sinabi pa ng mabait na negosyante, “Gusto namin siguro na maging kilala locally, gusto rin namin ito makilala internationally. ‘Yung pumunta mula sa ibang bansa ito ‘yung isang spot na gusto nilang puntahan ‘di ba?

“Siyempre as a businesswoman, ang iniisip ko, it has also to bring in money para we can continue to give you ‘yung magagandang performances top of the line, and we are open for suggestions kung mayroon kayong ibibigay sa amin para kung ano pang puwedeng idagdag namin para to be better and best.

At saka lagi naming sinasabi this is for everybody, hindi namin ito ili-limit. This is a good place na parang you can feel relax with yourself, bring your friends. Hindi sila maiilang ‘pag sumama sa inyo,” sabi pa ni Tita Cecille.

Ang Rampa na nga ang pinakabagong entertaiment place sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertaimment scene ng LGBTQ+ community.

When you meet the right people at the right moment for the right purpose, what you create is automatically elevated to not just a business enterprise but a vision with a purpose. I can’t wait for people to experience what we have in store at Rampa,” pahayag ni Ice,nang mainterview namin siya sa mediacon launch.

This is a fulfillment of a dream to elevate the drag scene in the Philippines and continue to support the future of drag as an art form in the country,”  sabi pa ni RS. 

Ang pagsasanib-puwersa ng kanilang mga kakayahan  ay inaasahang mag-aangat ng estado ng drag culture at lgbtq+ sa Pilipinas.

From being a performer in drag clubs, then as a contestant on a reality show, I can’t believe that now I will be a co-owner of my own drag club and nurture our baby drag queens. Dreams do come true,” sabi ni Precious Paula Nicole, na nagpapahayag ng kanyang excitement sa bago nilang venture.

Ang RAMPA Drag Club ay hindi lamang isang entetainment venue, ito rin ay isang platform para sa diversity and inclusion. Sa pagtatampok ng ilan sa pinakamahusay na drag shows at performances sa bansa, layunin ng club na tanggalin ang stereotypes at stigma tungkol sa drag culture at pag-ibayuhin ang  diversity sa loob ng komunidad ng LGBTQ+.

Ipinapangako ng club na magkakaroon ng mga themed nights na naka-focus sa iba’t ibang aspeto ng spectrum ng LGBTQ+. Mula sa Lesbian Nights hanggang sa Transgender Nights, nais ng RAMPA Drag Club na maging isang safe space para sa lahat lalo na sa LGBTQ+ community.

Ito rin ay magiging bagong bahay hindi lamang para sa mga tagasuporta ng drag kundi pati na rin sa buong komunidad ng LGBTQ+. Ito ay magiging lugar para sa lahat straight man o LGBT+,  maglakbay sa masayang pagsasalarawan ng sining ng drag.

Inaasahan ang mga de-kalidad na performance, kakaibang drag shows, na magdadala ng bagong entertainment  Quezon City.

Kaya bumisita na sa RAMPA Drag Club, na ang bawat gabi ay celebration ng diversity, empowerment, at ang vibrant colors ng LGBTQ+ spectrum.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …