Sunday , December 22 2024
Quinn Carrillo Asawa Ng Asawa Ko

Quinn Carillo mula Vivamax nakatawid ng GMA: ‘di lang artista script writer pa

RATED R
ni Rommel Gonzales

MABIBIGAT ang mga eksena sa bagong serye ng GMA na Asawa Ng Asawa Ko, kaya natanong namin ang child actress na si Kzhoebe Baker kung paano niya naitawid ang mga matitinding eksena niya.

Sa iba ko pong scenes na nahirapan ako ang tumulong po sa akin si ate Liezel and si ate Jasmine po. Kasi po noong andoon po kami sa set, sa Jordan’s house, may nahirapan po akong lines buti na lang po tinulungan ako ni ate Liezel.

“Pati po ni direk Laurice,” ang pahabol pang sabi ni Zhoebe patungkol sa direktor nilang si Ms. Laurice Guillen.

Sa kuwento ng serye, in a plot twist ay magkakaroon ng dalawang ina si Tori na karakter ng batang aktres, sina Jasmine Curtis-Smith (as Cristy) at Liezel Lopez (as Shaira).

Samantala ang naturang serye ang tinutukoy dati ni Quinn Carillo na proyekto niya sa GMA. Nabanggit niya ito sa mediacon ng Haslers ng Vivamax na bukod sa kasama siya sa cast ay siya rin ang sumulat ng script.

Sa serye, bilang si Leslie ay bestfriend niya si Shaira.

Kaya tinanong namin si Quinn, kung sa tunay na buhay ay may kaibigan siyang may komplikadong relasyon, ano ang maipapayo niya rito?

Kasi ano po ‘di ba, love is really complicated? Parang hindi ko rin masabi, parang hindi ko rin siya kayang bigyan ng advise kasi ‘yung pinagdadanan niya, kanya iyon, hindi ko kayang i-explain, kung anuman ‘yung pakiramdam niya.

“Ang kaya ko lang mabigay is ‘yung support at ikorek siya kung mali na ‘yung ginagawa niya o hindi kasi it’s really a complicated relationship, it’s really a complicated situation.

“All I can do is be a true friend and support your friend whatever happens,” lahad pa ni Quinn.

Kaabang-abang ang sinasabing komplikadong sitwasyon ni Quinn sa serye at kaabang-abang din ang pagkakaiba ng kanyang karakter sa nabanggit na teleserye at ang kanyang mapangahas na papel sa Haslers na streaming na ngayon sa Vivamax.

Samantala, serye bida sina Rayver Cruz as Jordan, Joem Bascon as Leon  at Martin del Rosariobilang Jeff.

Tampok din sina Gina Alajar as Carmen, Mariz Ricketts as Pusit, Jennifer Maravilla as Sawa, Patricia Coma as Pusa at marami pang iba. Mapapnood na simula January 15, 9:35 p.m.sa GMA Prime.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …