Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jennylyn Mercado Love Die Repeat

Jennylyn mas bumata, mas sumeksi, at mas gumanda ngayong 2 na ang anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY konek sa relasyon ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang serye ng GMA na Love. Die. Repeat.

Nangyari kina Jennylyn at Dennis ang “repeat” dahil naghiwalay na sila dati, nagkabalikan at ngayon ay maligaya ang pagsasama. 

Kami ni Dennis, ‘di ba, ganoon? Nanalo ang pagmamahal,” lahad ni Jennylyn.

Sinabi rin ni Jennylyn na, “Nagpapasalamat ako na hinintay ako ng GMA. Hinintay ako ni Xi (Xian Lim).

“Siyempre, puwede naman po akong palitan, ‘di ba? Ilang araw pa lang naman ‘yung na-shoot namin.

“Kinabahan ako kasi baka hindi na ibigay sa akin, ang ganda pa naman niyong project. 

Tapos, first time ko makakasama si Xi.

“So, thankful ako na ibinigay pa rin nila sa akin.”

Leading man ni Jennylyn sa upcoming series si Xian Lim.

At tulad ng alam ng lahat, nahinto ang taping nila noong September 2021 dahill nabuntis si Jennylyn sa anak nila ni Dennis na si Dylan.

Pero iyon na nga, sa halip na humanap ng ibang bidang babae ay hinintay ng Kapuso Network hanggang maging ready na muli si Jennylyn na humarap sa kamera.

And fast forward ngayong 2023, hindi naman nagkamali ang GMA, kapag titingnan si Jennylyn ay tila mas sexy, mas bata at mas maganda pa ang itsura niya ngayong may dalawang anak na (sina Alex Jazz at baby Dylan) kaysa noong dalaga pa siya.

Bukod kina Jennylyn bilang si Angela at si Xian bilang si Bernard kasama rin sina Mike Tan bilang si Elton, Shyr Valdez bilang Hilda, Ervic Vijandre bilang Jerome, Valerie Concepcion bilang Gretchen, Victor Anastacio bilang Isaac, Valeen Montenegro bilang Chloe, Ina Feleo bilang Jessie, Faye Lorenzo bilang Diane,Nonie Buencamino bilang Danilo, Malu de Guzman, sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor.

Eere na ito simula January 15, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …