Sunday , December 22 2024
Ronaldo Valdez Janno Gibbs

Lolit dinepensahan pagbabakasyon ni Janno sa Japan

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAGTANGGOL ni Lolit Solis si Janno Gibbs sa mga patuloy na bumabatikos sa aktor at sa pamilya nito. Ito ay may kaugnayan sa pagbabakasyon ng mga ito sa Japan matapos ang pagkamatay ng amang si Ronaldo Valdez.

Sabi ni Lolit, “Binibigyan malisya ng marami Salve iyon bakasyon ni Janno Gibbs sa Japan. Dahil kamamatay lang ng tatay niyang si Ronaldo Valdez gusto nila makita iyong grieving period ni Janno,”saad ni Lolit.

Ayon sa kolumnista, hindi naman porke hindi nakikita ng mga tao ang kanyang pag-iyak ay ibig sabihin hindi ito nagluluksa.

Not because you did not cry means you are not sad. Sadness is in the heart, hindi kailangan lahat nakakakita. Even in a crowd, puwede kang malungkot na hindi alam ng mga kasama mo,” paliwanag pa ni Lolit.

Aniya, personal emotion ito ng isang tao at hindi naman kailangang malaman pa ng madlang pipol.

Sey pa ni Lolit, “For sure kahit nasaan pumunta si Janno Gibbs nasa puso niya ang ama na si Ronaldo.”

Dagdag pa ni Lolit, dapat daw ay patahimikin na si Ronaldo at huwag nang isali ang pangalan sa mga walang kuwentang isyu.

Let him rest in peace. Huwag na natin gamitin pa ang pangalan niya para lang sa mga walang kuwentang issue. Let us respect his memory. Go Janno in your own way of grieving for your dad. Let us pray together for his soul. Amen!”

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …