INAMIN ng magka-love team na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva na hindi naman masasabing nagli-live in sila, pero minsan may sleep over ang aktor sa bahay ng aktres. Minsan naman si Elle ang nag-i-sleep over sa bahay ni Derrick. Wala namang masama roon dahil may relasyon naman sila. Ang masama ay iyong may karelasyong iba tapos makikipag-sleep over ka sa bahay ng iba at sasabihin mong nalasing ka lang kasi. Kasabihan na nga basta may alak, may balak.
Inamin din naman ni Derrick na may plano na silang mag-live in talaga, naghihintay lang sila ng tamang panahon. Siguro kung iyon ay masasabi ngang matibay na ang kanilang career at may pinagkakakitaan na nang husto si Derrick na kaya na niyang tustusan ang isang pamilya. Kasi sa ngayon naman nagsisimula pa lang sumipa ang career niya eh. Nagsisimula pa rin lang mapansin si Elle na sayang naman kung titigil siya sa kanyang career, o masasabing magkakaroon na siya ng limitasyon sa career niya dahil sa kanyang pakikipag-relasyon kay Derrick.
Nakatatawa nga eh, kasi sinasabing nagpa-imbestiga raw agad si Elle sa mga intrigang may kakaibang sexual preference si Derrick at napatunayan naman niyang iyon ay intriga lang.
In the first place, sino ba ang dapat na unang makahalata kung ganoon nga kung hindi siya?