RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG malaking tagumpay ng Metro Manila Film Festival ang tila apoy na lalong nagpainit sa naisin ng lady producer na si Baby Bo na muling maging aktibo sa pagpo-produce ng pelikula.
Si Ms. Baby ang reyna ng BG Films International.
Lahad niya, “Siyempre bilang producer, lahat matutuwa rin na sila ay kumita rin at lumalaki at pinapabalik ang dating sigla ng showbiz.
“Kasi, talaga namang nawala.
“Masaya ako kasi bumabalik na ang sigla ng mga producer at mga artista. Nandito pa rin sa puso ko ang pagpo-produce.”
Aariba muli ang BG Films ngayong 2024.
“Nag-focus lang ako dati sa subdivision ko, pero ngayon, gagawa na ako uli. Pero i-showing ko muna ‘yung movie ko na tapos na.
“Alam niyo naman kung gaano ko kamahal ‘yung showbiz. Nandiyan pa rin ang BG Productions,” sinabi pa ni Ms. Go na isa ring real estate queen.
May nakahanda na silang pelikula na inaayos na ang playdate, ang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili na idinirehe ni Louie Ignacio.
Nasa movie rin sina Vince Rillon, Joel Lamangan, Ina Alegre, Leandro Baldemor, at Ms. Gina Pareño.
Speaking of Allen, positibo si Ms. Go na kikita ang peliklua ng aktor dahil na rin sa kasikatan nito sa Abot Kamay Na Pangarap ng GMA.
“Natutuwa ako kasi ‘yung ‘Abot Kamay,’ nakilala talaga siya roon.
“Naka-message ko nga siya noong isang araw. Naroon daw siya sa taping… napakabait kasi ng taong ‘yun,” pahayag pa ni Ms. Go.
Nakasali na ang AbeNida sa Danang International Film Festival sa Vietnam, sa International Imago Film Festival di Civitella del Tronto sa Italy (na nanalong Best Actor si Allen), at sa Asian Barcelona Film Festival sa Spain.
At malamang, kung maaayos, ay mapapanood ito sa Netflix.