MAGKAPITBAHAY na naman daw sa isang condominium building sina James Reid at Nadine Lustre. Si Nadine ay nakipag-break na raw sa kanyang boyfriend, ilang buwan na yata. Mukhang malapit nang maiwan si Issa Pressmann.
Hindi ninyo masasabi. Alalahanin ninyong apat na taon ding nag-live in sina James at Nadine. May pinagsamahan na iyan ano man ang sabihin ninyo, at maganda ang career nila pareho noong sila ang magkasama. Hindi naman sa kani-kanino, mas guwapo naman si James kaysa roon sa naging boyfriend ni Nadine sa Siargao.
Hindi namin sinabing mas maganda naman si Nadine kaysa kay Issa ha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com