Saturday , November 16 2024
TVJ Eat Bulaga Dabarkads

Isa lang ang ‘Eat Bulaga!’ Rito ‘yun sa TV5! — TVJ

I-FLEX
ni Jun Nardo

PASKO at Bagong Taon ang ambiance sa TV5 studio last Saturday nang umapir ng live ang Legit Dabarkads sa Eat Bulaga sa pangunguna nina Tito, Vic and Joey para isapubliko muli ang desisyong pabor sa kanila ng Regional Trial Court ng Marikina City kaugnay ng kasong Copyright Infringement at Unfair Competition laban sa GMA at TAPE, Inc..

Ibinahagi ni Tito Sotto ang ilang salient points sa judgment na naglabasan na sa media lalo na sa mga hindi nakapanood sa announcement nila sa Facebook last Friday nang lumabas ang desisyon.

Ibig sabihin po, agaran ang pagpapatupad nito,” diin ni Tito.

Ibig sabihin, eh nanalo po tayo!,” sabi ni Vic. “Tayo po ay sumunod sa batas at kumapit sa katotohanan. Isa lang ang sinasabi ng batas at ng manonood, isa lang ang ‘Eat Bulaga!’ Rito ‘yun sa TV 5!” dagdag ni Vic at nagpalakpakan ang studio audience.

Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuportang legit Dabarkads sa buong daigdig!” sabi naman ni Joey.

Panalo nating lahat ito! Let’s all move forward!” deklarasyon pa ni Vic.

Samantala, sumunod naman sa hatol ng korte ang TAPE at GMA dahil noong Sabado ay iba na ang gamit nitong title ng show, Tahanang Pinakamasaya at iba na rin ang theme song na gamit.

About Jun Nardo

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …