HATAWAN
ni Ed de Leon
KABALIGTARAN iyan ng isang male starlet, na naglilinis-linisan naman na ayaw naman daw niyang gumawa talaga ng bold, pero napilitan lang siyang gawin iyon sa nasalihan niyang gay internet series. Maniniwala na sana kami sa linis-linisan niya nang ipakita sa amin ng isang showbiz gay ang katunayan na ang male starlet pala ay isang boy for hire rin, at ang katunayan ay ang napakarami niyang sex videos na kinunan ng isang bading na naka-date niya ng ilang ulit.
“Mahal ang singil niya eh, kaya para sulit gumawa rin ako ng video niya,” sabi pa ng bading. Ngayon nga raw na hindi na sila nakakapag-date dahil masyado nang mataas ang singil ng starlet at least nasa kanya pa rin ang mga video niyon na paulit-ulit niyang napapanood at ipinapapanood din niya sa kanyang mga kaibigan.
Iyan na nga ba ang sinasabi namin sa linis-linisan eh.