Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle Cant Buy Me Love

DonBelle kinagigiliwan ng mga lola, gustong ampunin

MA at PA
ni Rommel Placente

TALAGANG mas dumami pa ang mga adik na adik na panoorin ang hit romcom series ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano na Can’t Buy Me Love, base na rin sa nakukuha nitong rating at ranking sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya.

Kahit nga ang mga lola na nakakausap namin ay talagang pinanonood ang nasabing serye dahil tuwang-tuwa at aliw na aliw sila sa DonBelle.

Gustong-gusto nga nilang ampunin sina Don at Belle at ituring nila itong parang mga tunay na apo dahil love na love na nila ang dalawa.

Talaga raw nawawala ang inip at pagka-aburido nila sa buhay kapag may mga bagong episode na ang serye. Feeling nila ay bumabata sila kapag nagpapakilig na ang DonBelle.

Samantala, bentang-benta rin ngayon ang isa sa kantang bahagi ng official soundtrack nito, ang Autumn ng Ben&Ben.

Nagsama ang nine-piece Filipino band at ang tinaguriang new gen phenomenal na si Belle para sa duet version ng awiting Autumn.

Inilalarawan nito ang pagsubok na dala ng distansiya na namamagitan sa dalawang taong puno ng pagmamahal. Isinulat ito nina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin ng Ben&Ben at ipinrodyus nila ang song collaboration kasama sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Jean Paul Verona.

Unang inilabas ng banda ang orihinal na bersiyon ng awitin noong November.

Kamakailan ay inilunsad ni Belle ang album na Somber, kasama ang original tracks na Bugambilya, Somber and Solemn.

Umarangkada ito agad sa unang pwesto ng iTunes Philippines albums chart habang ang anim na awitin nito ay nakapasok sa top 30 ng singles chart. Bukod sa musika, kilala rin si Belle bilang mahusay na aktres na bumida sa seryeng He’s Into Her at romcom films na Love Is Color Blind at An Inconvenient Love.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …