Sunday , December 22 2024
Cedrick Juan

Cedric Juan inamin, ‘di ikinahiya ginawang paghuhubad

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI kami nagulat sa statement ng festival best actor na si Cedrick Juan na hindi niya iiwan ang lehitimong entablado o maging ang paghuhubad sa mga pelikulang ginagawa ng Vivamax dahil lamang nanalo siyang best actor sa festival. Bagama’t talagang malaking bagay iyong manalo siyang best actor sa festival at talunin niya ang iba pang mas kilala at sikat na mga actor, hindi naman siya nakasisiguro na maraming darating sa kanya na kagaya ng kanyang role sa GomBurZa para maipagmalaki niya ang pagbabagong hatid niyon sa kanyang career.

Alalahanin ninyo, na sa mahabang panahon ng kanyang pagiging actor, nabuhay siya sa lehitimong entablado, at lumabas nga sa mga pelikula ng Vivamax, na bagama’t mahalay ay pinagkakitaan naman niya. Para kasi sa kanila trabaho lang naman iyon. Kailangan nila ng pagkakakitaan at kahit naman ganoon ang kanilang mga ginawang pelikula hindi mo naman masabing ganoon kasalaula ang kanilang buhay.

Tandaan ninyo, maski ang respetadong actor at director na gaya ni Eddie Garcia ay minsan ding gumawa ng ganyang pelikula, iyong Batuta ni Dracula. Wala kasi silang choice noon dahil iyon ang nauso, iyon ang pinanonood ng mga tao. 

Sa kaso naman ng VIvamax, sarado ang mga sinehan dahil panahon nga ng pandemya, iyong Vivanaman dahil gusto nilang mapanatili ang negosyo at patuloy ang trabaho ng kanilang mga tauhan nagbukas ng internet streaming platform. 

Mura lang ang bayad sa internet streaming at kailangang lagi kang may bagong palabas kaya ano nga ba ang magagawa nilang mura at mabilisan ang gawa kung ‘di mga sex movie. Kailangan din nilang kumuha ng mga baguhang director, dahil iyon namang mga director na kilala hindi naman gagawa ng ganoong mga pelikula. Iyong mga artista ring matitino hindi naman gagawa ng ganoon, lalo na’t may pangalan na sila. Sa TV na lang sila.

Kaya para makabuo ng pelikula, kukuha sila kahit na mga dancer sa beerhouse at mga dancer din sa gaybars na handang maghubad at iyon ang gagawin nilang artista sa mga pelikula nila. Pero kailangan din namang may matinong umarte at doon naman pumapasok ang mga kagaya ni Cedric na marunong umarte pero kailangan ng trabaho. Hindi naman sila mabubuhay ng pagiging artista lang sa legitimate stage, at wala ring trabaho ang mga nasa entablado noon dahil bawal ang gathering dahil sa pandemya.

Hanga rin naman kami kay Cedric, dahil matapos siyang manalo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) gumawa ang mga troll ng kanyang mga nakalaban ng research at nagsimulang ilabas din sa internet ang screen grabs ng mga mahahalay na eksenang ginawa niya sa isang Vivamax movie. Pero sa halip na ikahiya niya iyon inamin niya dahil totoo namang ginawa niya iyon. Ni hindi niya sinabing ginawa niya iyon for survival dahil noong panahon ng pandemic ay wala naman halos nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno at hindi naman dapat asahan iyon. Kung aasahan mo ang ayuda ng gobyerno baka hindi ka sa Covid mamatay kundi sa gutom. Doon naman nagsimulang dumami ang mga pelikula ng VIvamax. Maski mga dancer sa beerhouse ay walang trabaho dahil sarado ang mga club, sarado rin ang mga gay bar na sumasayaw ang mga macho dancer, iyang mga iyan ang nakuha nilang gumawa ng mga pelikulang mahahalay.

Maganda ang naging attitude ni Cedric, hindi niya dapat ikinahiya na nagawa nga ang ganoon, kundi pinanindigan niya na kahit na gumawa siya ng ganoon siya ay isang mahusay na actor at hindi nasabit lang dahil malakas ang loob niyang maguhubad.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …