Sunday , December 22 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

Bakit nga ba walang nakuhang award ang isang pelikulang kasali sa MMFF?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY ini-repost ang character actor na si Dindo Arroyo sa social media, na tila nagpapaliwanag kung bakit walang nakuhang award sa nakaraang MMFF (Metro Manila Film Festival) ang isang pelikula. Inilagay sa post ang poster ng pelikula at ang poster ng isang pelikulang Ingles na inilabas na rin sa Netflix kaya marami ring nakapanood dito sa atin at sinabi niyang “Panoorin ninyo ang dalawang pelikulang ito.”

Iyong pelikulang Ingles ay iyong What If, na ginawa mahigit na isang dekada na rin ang nakaraan at maraming nagsasabi na tila nakopya lamang iyon ng isang pelikulang Filipino.

Nangyayari naman talaga iyan. Minsan may napanood kaming isang pelikulang Thai na kopyang-kopya sa isang pelikulang Filipino na naunang ginawa at inilabas sa mga sinehan. Pareho ang kuwento, pareho ang shots, ang execution ng mga eksena, iyon nga lang salitang Thai ang ginamit at mga Thai actor ang lumabas. Maging sa US ay nangyayari iyan. Ang mga producer na Kano ay gumagaya rin ng ibang mga Korean movie. Minsan nga ay inire-remake lamang nila iyon na ang lumalabas ay mga artistang Kano gaya rin ng ginagawa natin sa tv na inire-remake ang mga seryeng Korean.

Basta naman nagbabayad ng royalty sa original owners ay walang kaso iyon. Pero alam naman ninyo ang mga Pinoy, iyon ngang title lamang na Eat Bulaga, napatunayan na kung sino ang gumawa at intellectual property owner eh ayaw pang isuko ng mga gumagamit. Madali namang pag-usapan iyon eh, kung gusto nilang gamitin ang trabaho ng iba magbayad na lang sila ng royalty.

Iyan namang pelikula hindi mo maikakatuwirang kinopya lang sa pelikulang Ingles kaya hindi dapat manalo ng award. 

Maski nga iyong kuwento lang eh kung mahusay naman ang pagkakakopya bakit nga ba hindi? Kaya lang sa paningin ng jury magaling nga sila pero may mas magaling sa kanila na original pa ang idea kaya nga siguro iyon ang pinapanalo.

At sa ganyang awards, kung ano ang desisyon ng jury, desisyon nila iyon at hindi mo mababago maliban kung gumawa ka ng scam na palitan mo ang resulta.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …