Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tippy Dos Santos Happy John

Tippy nilinaw ‘di sila humihingi ng tulong pinansiyal

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBINAHAGI ni Tippy Dos Santos ang nangyaring aksidente at pagkamatay ng kanyang ina habang nasa South Korea.

Sumakabilang-buhay si Happy Dos Santos58, noong December 30 nang magkaroon ng vehicular accident. Nakaligtas naman ang asawa nitong si John Dos Santos.

Ani Tippy, dumating sa South Korea ang kanyang mga magulang noong December 27 para magbakasyon. Sinundo ng isang kotse para dalhin sa kanilang hotel at habang patungo sa hotel ay doon na nagkaroon ng aksidente.

Tinawagan siya ng kanyang ama at doon sinabi ang nangyari sa kanila.

Samantala, nagbigay-mensahe si Tippy para sa lahat ng mga taong nakikiramay at nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina.

Although we are unable to respond to each and every one of you, please know that we are grateful. There are really no words to express the devastation and heartbreak the loss of my mom has caused us,” ani Tippy.

Nilinaw din ni Tippy ang ukol sa mga scammer na gumawa ng fake account para manghingi ng pera gamit ang pangalan ng kanyang ina.

Aniya, hindi totoong nanghihingi sila ng tulong pinansiyal para sa pagpapalibing sa kanyang niya.

Sabi naman ng kanyang amang si John, peke ang Go Get Funding account sa Facebook na gumamit sa pangalan at litrato niya na gustong makalikom ng P500,000 para raw sa “burial fund” ng kanyang asawa.

This is a fake account. I did not set up a go get funding account.

“Someone is trying to take advantage of my wife’s death. Please help me and my family report this. Thank you,” sabi pa ng tatay ni Tippy. 

It has been brought to our attention that there has been a ‘get funding’ account set up for our mom’s death.

“Please know that our family is not responsible for this, nor any other future attempts at asking for money for this tragedy.

“It is unbelievable that someone is trying to scam people and is using our mom’s death as a means to do so,” post naman sa FB ng mga anak ni misis Happy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …