Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kimson Tan

Kimson Tan ‘di tambay ng gym pero ohh..la la ang katawan

RATED R
ni Rommel Gonzales

LOVELESS ang GMA male hunky star na si Kimson Tan ngayon.

Yes I am,” pakli ni Kimson.

Wala ring idine-date si Kimson sa ngayon.

Wala po, I don’t see anyone right now.”

Pero may crush naman siya. “Before it’s Gabbi Garcia, ngayon po noong naka-work ko si Ate Beauty, sobrang na-starstruck po ako, unang day po namin ni Ate Beauty… unang eksena po namin magkaharap po kami, starstruck po talaga ako.

“Sobrang bait po niya, sobrang maalaga. Kumbaga si Ate Beauty chill-chill lang, kuwentuhan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kimson na gumaganap bilang Kelvin Chong sa Lovers/Liars.

Bida rito si Claudine Barretto bilang Via Laurente at nasa cast din sina Lianne bilang Hannah Salalac; Shaira Diaz bilang Nika Aquino; Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto; at Yasser Marta bilang Caloy.

Sa direksiyon ni Crisanto Aquino

napapanood sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV. 

Kasama rin si Kimson sa 24/7 na sitcom ni Vic Sotto.

Isa sa mga hunk male star ng GMA si Kimson at nakagugulat na hindi siya tambay sa gym pero napapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan.

I don’t go to the gym, but I maintain my body by doing cardio workouts and HIIT [high-intensity interval training] workout and self-body weight, hindi kasi ako going bulk eh, I’m going lean, para maugat, ‘yung ganoon, iyon ‘yung body goal ko,” kuwento pa ni Kimson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …