Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpapamilya: kung walang pera ‘wag bumuo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA segment ng It’s Showtime na “EXpecially For You” natalakay ang usapang pampamilya. Ayon sa isa sa  host nito, naniniwala siya na kung walang pera o kakayahan ang isang tao ay dapat huwag muna itong magsimula ng isang pamilya.

This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya,”sey ng TV host-comedian.

Pagpapatuloy ni Vice Ganda, “Dahil kawawa lalong-lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain ng maayos. Sarili mo lang din ang sasalba sa ‘yo at hindi ibang tao.

“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” giit ni Vice.

Marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang opinyon hinggil sa pahayag ng komedyante.

Love just ain’t enough. Hindi kayo mapapakain ng pagmamahal n’yo sa isa’t isa. ‘Wag mag-anak ng marami kung hindi kaya. Tapos ‘pag walang makain, kakatok kayo sa busilak naming puso. Chz!”pagbabahagi ng isang netizen.

Comment naman ng isang netizen na against sa naging pahayag ni Vice, “Eh kung bet nilang bumuhay ng mga anak at bumuo ng malaking pamilya, huwag nating pakialaman.”

“Madali naman gumawa ng pera eh. ‘Wag na lang mag-aanak kung idadamay sa kabugukan. Haha. Kawawa lang mga bata magsa-suffer ‘di ba?” sey naman ng isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …