Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Princess Revilla

Princess Revilla pinangunahan pamimigay ng regalo sa mga kabataan sa Cavite

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MATAGAL na ring inactive sa showbiz ang nakababatang kapatid ni Senator Bong Revilla na si Princess Revilla. Lingid sa kaalaman ng lahat ay abala si Princess sa kanyang negosyo na kung hindi ako nagkakamali ay isang construction business katulong ang mga anak. Dito siya nagiging abala sa araw-araw na pamumuhay mailiban sa kanyang pag-aalaga sa mga anak. 

Madalas kong makita si Princess noong nakakulong pa sa Camp Crame si Bong na madalas niyang dalawin. 

Bukod sa negosyo ay maroon palang Princess Revilla Foudation Inc. İsa sa mga proyekto ng foundation ang maghatid ng tulong sa mga kabataan. 

Ngayon Christmas season ay naghandog ng isang Christmas gift giving extravagance na Pamaskong Handog para sa 500 kabataan. Sarı-saring palaro at pamimigay ng mga laruan na ikinasiya ng mga kabataan. 

Naniniwala si Princess na dapat pangalagaan ang mga kabataan na sinasabing future ng ating bansa. 

Idinaos ang event na ito sa Bacoor, Cavite katulong ang mga barangay officials ng siyudad.

Naniniwala kami na sa iniative na ito ni Princess ay maeengganyo ang iba pang mga showbiz personalities na may kakayahang magsagawa ng ganitong programa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …