ni MARICRIS VALDEZ
GANDANG-GANDA kami sa GomBurZa nang mapanood namin sa star-studded red carpet premiere night sa Gateway Cineplex Cinema 5 noong December 23.
Ang GomBurza biopic ay ang biggest historical film of the decade at isa sa 10 entries sa 49th Metro Manila Film Festival na nakatitiyak akong kagigiliwan at magugustuhan ng sinumang makakapanood.
Sa totoo lang, hindi kami nainip sa paglalatag ng istorya ng tatlong pari na idinirehe ng internationally-acclaimed director Pepe Diokno. Bawat tagpo ay kinasabikan at tinutukan naming mabuti. Interesting kasi. Magagaling din ang lahat ng aktor na kasama sa pelikula, walang itatapon.
Pero ang napansin namin ay si Cedrick Juan na ngayon lang namin napanood. Ginampanan ni Cedrick ang role bilang si Padre Burgos. At para sa amin, nararapat na ma-nominate siya bilang Best Actor.
Dinaluhan ang highly anticipated premiere night ng main actors nitong sina Enchong Dee, Cedrick Juan, Dante Rivero, alongside Elijah Canlas, Khalil Ramos, Tommy Alejandrino, Jaime Fabregas, Ketchup Eusebio, Epy Quizon, Nanding Josef, Neil Sese, Arnold Reyes, Brian Sy, Carlitos Siguion-Reyna, Ronnie Lazaro, Peewee O’Hara.
Ang pelikula ay ukol sa tatlong paring pinatay dahil sa paratang ng pagpapatalsik ng pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Sila ay binitay noong Pebrero 17, 1872 sa harap ng mga tao.
Magaling din ang ipinakitang akting ni Enchong gayundin si Dante.
Ipinrodyus ang GomBurZa ng JesCom Films at MQuest Ventures ng MediaQuest, in cooperation ng CMB Film Services.
Ang GOMBURZA ay pelikula ukol sa heroic Filipino, ng Filipino, at para sa mga Filipino. Kaya nararapat na isama ninyo sa mga panonoorin ngayong MMFF.
Palabas na ang GomBurza sa mga sinehan nationwide.