MA at PA
ni Rommel Placente
NO doubt, sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon. Ang mga pelikulang ginagawa nila ay laging panalo sa takilya at ang mga seryeng ginagawa nila ay lagi namang mataas din ang ratings.
Katulad na lang nitong Can’t Buy Me Love. Ito ang nangungunang show ngayon sa Netflix. At patuloy na sinusuportahan/pinanonood ng televiewers, lalo na ng kanilang fans. Sobrang taas ng ratings na nakukuha nito.
Ayon kay Donny, naniniwala sila ni Belle na ang pagsuporta sa isa’t isa at ang pagtatrabaho bilang team, ang isa sa sikreto ng kanilang tagumpay.
Sabi ni Donny, “Kami ni Belle, the most important thing talaga is we are here as a team, we’re here to support each other. So, the fact that we’re given these types of blessings, the opportunity to tell stories, we really don’t take it lightly, we do our best to give it all talaga.
“At the end of the day, we really want to give quality entertainment for everyone. Ayon lang, I think we are just ourselves.
“I honestly really don’t know how to answer this question sometimes but I’m just very blessed to be able to go to this with you,” dagdag pa ng binata sabay tingin kay Belle.
Sey naman ni Belle, “We’re very grateful to be here. Maraming, maraming salamat.
“I think a factor too is being aligned with one another. We both have the same goal and that is to deliver a great project,” aniya pa.
Nagpapasalamat naman si Belle sa suporta ng kanilang fans, lalo pa at nakikita niya kung paano tinututukan ng manonood ang bawat detalye at rebelasyon sa kanilang seryeng Can’t Buy Me Love. “Para silang mga imbestigador sa totoo lang. Kaya nilang i-predict kung ano ‘yung nangyayari sa story and natutuwa kami na minsan tama ‘yung predictions pero minsan parang ay mali ka riyan. Marami pang mangyayaring katulad niyan in the future. Sobra kaming natutuwa sa feedback niyo. Kami rin katulad din namin sila na talagang aabangang kung what’s going to happen next,” saad niya.