Sunday , December 22 2024
Dickie Bachmann Al Panlilio Erika Dy

Bachmann, Panlilio, SBP, partner sa pagpalawak sa basketball

IPINAGPASALAMAT ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang pagkakaloob ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng mga flooring na ginamit ng internasyonal na pederasyon sa basketbal sa pagsasagawa sa bansa ng nakalipas na FIBA World Cup 2023. 

Tinanggap mismo ni Bachmann, na kabilang sa organizing committee ng FIBA World Cup 2023 bago napili bilang chairman ng ahensiya ng gobyerno sa sports, ang deed of donation para sa modernong uri ng flooring mula kay SBP president Alfredo Panlilio at SBP Executive Director Erika Dy. 

“Our national athletes and basketball players, especially those in the collegiate leagues can now benefit from these flooring,” sabi ni Bachmann. 

Ang flooring, na ginamit na practice facility sa ginanap na paghohost ng Pilipinas sa FIBA World Cup, ay permanente na sa Ninoy Aquino Stadium. Dalawang flooring ang nakatakda pa makuha ng PSC para naman sa dalawa pa nitong pasilidad na nasa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila at sa PhilSports Arena sa pasig. 

Nagsagawa din ng clinic ang SBP sa pangunguna ng Special assistant to the president of SBP at dating PBA coach na si Ryan Gregorio. 

“We hope to conitune with the success of our FIBA World Cup hosting. Alam po ninyo na bago naging PSC chief ay isa si Chairman Richard (Bachmann) sa mga opisyales ng ating organizing committee. He helped us a lot in securing funding for the event, and we are happy to help him back with these facility,” sabi ni Panlilio. (HATAW NEWS TEAM)

Photo Caption:

TINANGGAP ni PSC Chairman Bachmann, ang deed of donation para sa modernong uri ng flooring mula kay SBP president Alfredo Panlilio at SBP Executive Director Erika Dy. (HENRY TALAN VARGAS)

About Henry Vargas

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …