Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunog

Pasko sa covered court
BOMBERO, SENIOR CITIZEN SUGATAN, 300 PAMILYA NAWALAN NG BAHAY,

SUGATAN ang isang bombero at isang 75-anyos senior citizen, habang mahigit sa 300 pamilya ang magdaraos ng Pasko sa covered court matapos sumiklab ang sunog na umabot ng limang oras hanggang kahapon ng madaling araw sa Capulong Highway, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong 9:49 pm sa ikalawang palapag ng bahay nina Roger at Ine Gloria sa 1914-21 Capulong Highway (C2) sa kanto ng Lacson St., Tondo.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog at idineklarang fire under control dakong 12:25 am. Isinugod sa Tondo General Medical Center ai FO1 Philip Chua, 25 anyos, dahil sa hiwa sa kanang palad; at Julieta Rodemo, may superficial burn sa kanang hita.

Tinaya ng BFP na nasa 1.5 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Nabatid na patuloy na iniimbestigahan ni Fire Arson Investigation SFO2 Roderick Andres, ang sanhi ng sunog. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …