SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
IGINIIT ni direk Lemuel Lorca na ang kanilang pelikulang Broken Heart’s Trip, entry ng BMC Films and Smart Films sa Metro Manila Film Festival 2023, ay ginawa hindi para lamang sa LGBTQI+ community.
“It is meant for everyone who has fallen in love, experience heartbreak, in short, para sa lahat ito,” paglilinaw ng direktor sa ginanap na Thanksgiving and Christmas Party ng Broken Heart’s Trip kamakailan sa Center Stage Productions.
Kaya naman inaanyayahan niya ang lahat na panoorin ang kanilang pelikula para maiwasang matanggal agad sila sa mga sinehan.
It’s a known fact na kapag hindi tinangkilik o kakaunti ang mga nanood sa pelikulang kalahok sa MMFFsa una at ikalawang araw, tinatanggal na ito sa mga sinehan.
“Alam naman natin kasi na kapag mahina ang pelikula sa first day eh, agad agad nila itong tinatanggal, sayang naman.
“Our film is really funny, lighthearted, entertaining, something that many deserve to enjoy,” dagdag ng direktor.
Sinabi naman ng isa sa bida sa pelikula na si Christian Bables, “Everyone involved in the film did their best to make it entertaining, fun. I just hope people would look at it without prejudice.”
“I’m really proud to be part of a film that celebrates our community. As long as I get to do my part in imparting the value and importance of gender equality in this day and age is enough for me,” sambit naman ni Iyah Mina.
Ang Broken Heart’s Trip ay ukol sa reality show na ang host ay si Christian at tampok ang limang contestant na mga sawi sa pag-ibig tulad nina Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah, at Andoy Ranay.
Binigyan sila ng challenge na kailangang hindi sila mainlab sa mga lugar na pupuntahan nila tulad ng Batangas, Cebu, Ilocos Norte, at Laguna. At ang judge sa show ay sina Tart Carlos at Jaclyn Jose.
Mapapanood na ang Broken Heart’s Trip simula December 25.