Thursday , April 3 2025
arrest prison

29 pinaglalaruan  
HELPER KALABOSO SA BALISONG, ILLEGAL NA DROGA

KULONG ang isang helper matapos makuhaan ng shabu nang sitahin ng mga pulis habang nilalaro-laro ang hawak na patalim sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander P/Cpt. Manuel Cristobal ang naarestong suspek na si Edwin Alindogan, Jr., 26 anyos, residente sa Urrutia St., Brgy. Malanday.

Sa kanyang report kay Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., sinabi ni Capt. Cristobal, habang nagsasagawa ng police visibility patrol ang kanyang mga tauhan na sina P/Cpl. Fernando Laciste, Jr., at P/Cpl. Lester Macalintal sa Villa Encarnacion St., Brgy. Malanday nang makita nila ang suspek na nilalaro-laro ang hawak na balisong, dakong 8:55 am.

Kaagad nila itong nilapitan saka pinigilan at nang hanapan ng legalidad hinggil sa pagdadala niya ng nasabing patalim ay walang naipakita ang suspek kaya inaresto siya ng mga pulis.

Bukod sa patalim, nakompiska rin sa suspek nang kapkapan ang isang itim na coin purse na naglalaman ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,516.

Ayon kay P/SSgt. Carlito Nerit, Jr., kasong paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Object), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of RA 9165 ang isinampa laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …