Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay Ellen Adarna

Derek nilinaw pagiging homebody ni Ellen — She’s not a party goer

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGUGULAT na si Derek Ramsay kapag may kumakatok sa kanyang bahay (sa Alabang Village?) at nagtatanong kung for sale ang bahay niya.

“Hindi lang kasi once o twice ‘yung kumakatok. Marami na at gustong bilhin ang bahay. Siyempre, sinasabi ko na hindi for sale ang house,” chika ni Derek nang ma-interview namin siya via Zoom sa Marites University.

Pero pumapasok sa utak ni Derek kung minsan na ibenta ito lalo na’t gusto nilang bumuo ng sariling pamilya ng asawang si Ellen Adarna.

“We’re planning to build our own house of course. Aside from that, we’re planning to build a house in Cebu,” sey pa ni Derek.

Sa totoo lang, too soon ang pagpapakasal nina Derek at Ellen. After two months, ikinasal sila.

“I’ve been through several relationships, long and short. Eh agad kaming nag-click ni Ellen o bakit kailangang patagalin pa.

“Of course, just like any couple, we have discussions. Only up to that. Our relationship is very strong at ‘yung sinasabing party goer siya before, that’s not true! She’s homebody,” saad pa ni Derek.

Abangan ninyo ang bonggang interview ng Marites U kay Derek na ang sarap kausap at walang off the records, huh! May maganda rin siyang sinabi tungkol kay John Lloyd Cruz.

Anyway, bida si Derek sa Quantum Films’ festival entry na Kampon at bagong atake ang ginawa sa isang horror movie ni King Palisoc natalaga namang tinilian ang mga eksena at nagalingan sa child star na si Erin Espiritu na hindi nga lang pinayagang panoorin ang movie dahil R-13 ang rating nito.

Feel ninyo ang isang out and out horror movie, Kampon is it! Hindi ninyo pagsisisihang panoorin ito sa unang araw ng showing sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …