NAKAGAWA pa pala ng pelikula ang mag-amang Janno at Ronaldo na directorial debut ng una.
Hulyo 2023, nang proud na ibinahagi ni Janno ang ukol sa kanilang pelikula ng kanyang ama.
Ipinasilip niya ang isang eksena ng taping nila at masayang-masaya at very proud na sinabing siya ang nagdirehe ng pelikula.
“Directing my Papa [clapper board emoji] What an honor and absolute pleasure [black heart emojis],” ani Janno.
Binati rin nito ang ama nang mag-birthday noong November.
“Happy Bday Papa! What a joy to share the screen w/ you. And such a privilege to have directed you.
“We had fun,didnt ddnt we?! Labyu [kissing emoji] Our film arrives in cinemas this January.”