Thursday , December 26 2024
Kathryn Bernardo Alden Richards

Alden G na G sa Hello, Love, Goodbye part 2; Panliligaw kay Kathryn ‘di totoo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HANDANG-HANDA na si Alden Richards na muling makatrabaho si Kathryn Bernardo at gawin ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye. Kasabay nito ang paglilinaw na hindi niya nililigawan ang aktres.

Sa pa-thanksgiving at Christmas party with the entertainment press ni Alden na ginawa sa Stardust Bar sa Jupiter, Makati City, inihayag nito ang kagustuhang muling makasama si Kathryn.

Anito, ipapa-cancel niya ang ilan sa mga proyektong nakatakdang gagawin next year para lang magawa ang sequel ng pelikula nila ni Kathryn kung may makasabay o makasagasa sa schedule.

Taong 2019 na kumita ng mahigit P881-M na idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana ginawa nina Alden at Kathryn ang Hello, Love, Goodbye kaya naman ito ang inurirat sa aktor kung game ba siyang gawin ang part 2 nito.

Sagot ng aktor, “Of course ‘Hello, Love, Goodbye’ naman po made history and ‘yun naman din po ang gusto ng mga nakapanood, na magkaroon ng part 2.

“Ako po, ready naman ako anytime and ‘yun din naman ang sinabi ko kay Direk Cathy. Sabi ko, ‘Direk kapag gumawa kayo ng part 2 ika-cancel ko muna lahat ng schedule ko.

“But then again, that’s really up to Star Cinema kasi sila naman ‘yung producer and they own the rights of the movie,” giit ng aktor.

Ukol naman sa balitang nanliligaw siya Katryn, nilinaw niyang wala iyong katotohanan.

Aniya, “Hindi po totoo. Kasi parang ginagawan na naman ako ng issue para mapunta sa akin ‘yung blame, ‘di ba? Parang nananahimik ako, so ngayon po, wala pong ganoon. Hindi po ‘yun totoo.

“I know my place in the industry and hindi po ako nakikisawsaw sa issue ng kung sino man.”

Ukol naman sa kung nakausap na niya ang aktres matapos ang pakikipaghiwalay kay Daniel,  “Hindi ko pa po nagawa. Kasi siyempre, that’s her personal and noong ginagawa po namin ang ‘Hello, Love, Goodbye,’ parang ‘yun din ang respect ko. Anything that has to do with that angle, ‘yung sa kanila ni Daniel, hindi po ako nakikialam.

“So I keep that oath po, and para hindi na lang din po tayo masyadong maraming… hindi ko na po ini-involve ‘yung sarili ko with this issue. Kasi malaki na po siya as it is.”

Sa kabilang banda, masaya ang aktor sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanya dagdag pa ang pagsasama nila ni Sharon Cuneta sa pelikulang Family of Two (A Mother & Son Story), isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2023, na mapapanood sa Dec. 25 sa lahat ng sinehan.

Ipinagdiriwang din ni Alden ang 13 taon niyang pananatili sa industriya.

Aniya, sa loob ng 13 years sa industriya, napakarami niyang pinagdaanang masasakit at masasayang bagay pero ipinagpapasalamat pa rin niya ang dami ng kaalamang napulot at natutunan niya.

Pero hindi pa tayo natatapos. Marami pang dapat matutunan. Malayo na pero malayo pa.

At sa 2024, marami pang inaasahan si Alden tulad ng sana raw ay mabigyan siya ng oportunidad na makatrabaho pa ang ibang artista sa ibang estasyon.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …