I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI apektado ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda sa pagtuturo sa kanya na pumatol sa isang foreign singer sa halagang P1-M per night.
Eh nagagawa pang maki-chika at humarap sa tao ni Kelvin sa thanksgiving party ng Regal Entertainment last week, huh!
Medyo nabago ang looks ni Kelvin ngayon dahil marahil sa gagawing GMA series na Sanggre, huh. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki na napabilang sa cast ng bagong chapter ng Encantadia.
“Normal naman po ang buhay ko. Hindi naman ako apektado sa mga ibinibintang sa akin dahil kilala ko ang sarili ko,” simpleng sagot ni Kelvin.