Sunday , December 22 2024
Eat Bulaga
Eat Bulaga

 Irespeto nila ang proseso! — sigaw ng abogado ng TAPE Inc.

I-FLEX
ni Jun Nardo

IPINAUBAYA na ng TAPE, Inc. ang theme song ng Eat Bulaga dahil may bago na ring  host ang show nilang Eat Bulaga at may sarili na rin itong theme song.

Kahit may desisyon na ang adjudicator ng Bureau of Legal Affairs ng Intellectual Property Office sa pagpabor ng trademark registration kay Joey de Leon, wala naman sa desisyon ng adjudicator na ipinagbabawal sa TAPE na gamitin ang Eat Bulaga ayon sa legal counsel nilang si Atty. Maggie Garduque.

Makikita naman ninyo sa decision ‘yon. It’s nowhere to be found. At wala ring temporary restraining order na gamitin ito.

“Marami pang mangyayaring apela  kaugnay nito. Basta kung titingnan ninyo ang website ng IPO, nakalagay doon na registered sa TAPE ang Eat Bulaga habang ‘yung kay Joey eh may nakalagay na pending,” pahayag ni Atty. Maggie.

Irerespeto ng TAPE ang desisyon ng adjudicator ng IPO, sabi ni Atty. Maggie, “Irespeto nila ang proseso!”

So huwag nang magtaka kung sa dalawang noontime shows eh gamit ang title na Eat Bulaga dahil hindi pa tapos ang bakbakan ng dalawang kampo, huh!

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …