Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzales Derek Ramsay Kampon

Beauty wa ker kung 2nd choice sa Kampon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

I don’t mind.” Ito ang tugon ni Beauty Gonzales sa grand mediacon ng Kampon, entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2023 na idinirehe ni King Palisoc, isinulat ni Dodo Dayao at mapapanood na simula Disyembre 25 nang matanong ukol sa pagiging second choice.

At dahil tila nadadalas ang paggawa niya ng horror tulad ng Feng Shui 2, Abandoned, at Hellcome Home, tinatawag na siyang Horror Queen lalo’t ang role niya sa Kampon ay dating para kay Kris Aquino

I don’t mind. I really don’t mind. I take it as a challenge ‘coz she’s known to be a horror queen, so to be a second choice, I take it as a challenge na sana, I can do better than her and I can bring my best into this project,” ani Beauty.

Nagpasalamat naman si Beauty kay Quantum producer Atty. Joji Alonso dahil napili siyang gumanap bilang asawa ni Derek Ramsay.

Nangingiti lang si Beauty dahil may love scene sila ng aktor na asawa ng best friend niyang si Ellen Adarna.

I’m very lucky to be chosen by Quantum Films, they have really highly entertained movies, sobrang ang dami nilang napapanalunan na awards in Metro Manila Film Festival and to be working with Derek Ramsay who’ve won a lot of Best Actor awards is like ‘okay, I’m game!’”esplika ni Beauty.

At ukol naman sa love scene nila ni Derek, “hala, asawa pala siya ng best friend ko, pero sige, I’ll take the challenge. So, I’m happy to be here.”

Pero inamin ng aktres na medyo nakaramdam siya ng pagkailang mabuti na lamang at inalalayan siya ni Derek.

Bukod kina Beauty at Derek, kasama rin sa Kampon ang napakagaling na bata na si  Erin Espiritu gayundun sina Nico Antonio, Al Tantay, Kean Cipriano, at Zeinab Harake.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …