MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ng TV Patrol sa magka-loveteam at magkarelasyon na sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte, naniniwala sila na posible pa ring magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
“Naniniwala pa rin kami na kaya pa ring pag-usapan ‘yan ‘di ba?,” sabi ni Ronnie.
Dagdag pa ng aktor, “Umabot nga sila ng 11 years eh. Bakit ‘yung ganyang problema, hindi nila kayang ayusin?”
Tugon naman ni Loisa, “Si Kathryn, mayroon talaga kaming communication. Strong siya, matapang ‘yung babaeng ‘yun.”
Ngayong taon ay ipinagdiriwang ng couple ang ikapitong anibersaryo ng kanilang relasyon.
Last year ay naging usapan sina Loisa at Ronnie matapos kumalat ang chismis na hiwalay na sila.
Ang naging ugat nito ay ang social media post ng aktres na may patama sa isang taong nangako na hindi tumupad.
Sey pa nga niya sa caption noon, “Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope…(broken heart emoji)”
Dahil diyan sa post, mabilis na kumalat ang “breakup rumors” ng dalawa.
Kaagad namang nilinaw ni Loisa na hindi tungkol sa kanyang lovelife ang kanyang FB post.