MA at PA
ni Rommel Placente
ISA si Alexa Ilacad sa nalungkot sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ang tanging hiling niya ay magkapag-move on ng payapa ang dalawa.
“It is sad. Feeling ko masamang panaginip. I’m very sad along with everyone else,” sabi niya sa isang panayam ng ABS-CBN.
“I cannot imagine how hard it must be to go through something so painful in front of the world getting so many opinions and theories. I wish for peace and healing for the both of them,” aniya pa.
Kasunod niyan ay nagbigay siya ng opinyon patungkol sa pagkakaroon ng love team na ayon sa paniniwala niya ay nakatutulong sa pagiging artista.
“I’ve been in the industry for a long time. I do believe na love teams are very helpful to anyone’s career, and it has been very helpful in mine.
“But I think nowadays, even the management is very open to love teams exploring individually. So the love team doesn’t necessarily need to break up or end, but we can pursue other things.”
Dagdag pa ng dalaga, nais niyang tularan ang magkatambal at ngayo’y may sariling pamilya na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
“So I’m not so sure if a love team is just a phase because I know of love teams na nagkakatuluyan, nagka-pamilya. Marian and Dingdong, number one in my mind. So ako, siyempre, ‘yun ang goal sana.
“Pero ako, whatever happens in this career, I would love to pursue whatever the passionate about.”
Sumang-ayon naman sa kanya ang ka-love team na si KD Estrada pagdating sa pagkakaroon ng solo careers.
“Same with me. We are very fortunate now that people are more open to have love teams that explore solo projects,” wika niya.
Saad pa niya, “Maybe in a few months we can do projects together, then solo. It is for the growth of partnership.
“It’s also good so you don’t lose your sense of individuality,” dagdag naman ni Alexa.
Nagsimula at sumikat ang KDLex love team nang maging celebrity housemates sila sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.