ni Ed de Leon
ANG daming nagtatanong sa amin kung sino raw iyong sinasabi naming male starlet na may picture na ang suot ay isang monokini na kagaya ng ginagamit ng mga gay bar dancers.
Huwag na po ninyong usisain dahil kawawa naman. Kung kakalat iyon masisira na ang kanyang career dahil sino ba namang fans ang hahanga sa isang call boy?
Hindi naman daw siya naging macho dancer sa isang gay bar kuha raw ang picture sa isang private party na siya ang “guest” at bilang guest natural inaliw niya ang mga nasa party. Hindi na rin naman siya nagmalinis, inamin na rin niyang nakikipag-date siya talaga sa mga bading for a fee.
Pero may ambisyon iyong bata na maging artista eh hayaan na muna natin siya. Hintayin na lang natin kung sisikat at yayabang at least alam niyang marami ang nakaaalam ng kanyang nakaraan.