HATAWAN
ni Ed de Leon
IGINIIT ni Joshua Garcia na fake news ang kumalat sa social media na sinasabing pinangaralan niya si Daniel Padilla at kinampihan si Kathryn Bernardo sa kanilang relasyon. Sinabi pang sinabihan daw niya si Daniel na, ”tigilan na ninyo iyang ginagawa ninyo ni Andrea.”
Hindi raw siya makikialam ng ganoon at sabi nga ni Joshua paano niyang masasabi iyon eh nalaman lang niyang inili-link si Daniel kay Andrea noong naglalabasan na ang mga tsismis. Bago raw iyon, ni wala siyang naririnig na kaugnayan ni Daniel kay Andrea o sa kanino mang iba dahil alam nila na syota niya si Kathryn.
Pero alam naman ninyo iyang mga nasa social media matataba rin ang isip. Noong isang araw nga may nakita pa kaming alam naming ang binabasa ng blogger ay column namin sa Hataw kasi wala naman siyang binago, binabasa lang niya word for word. Pero kung magsalita, sila ang magagaling at nauuna sa balita. Tinatangkilik lang naman sila kahit na puro sila fake news dahil libre lang. Subukan ninyong maningil na sa gamit ng social media kung may makikinig pa sa mga iyan.