Wednesday , January 22 2025
Piolo Pascual Mallari

Piolo malakas ang laban bilang pinakamahusay na aktor sa MMFF 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MALLARI. Horror! May psychological twist. Dokumentado ang istorya. 

Kaya si Enrico Santos, ang sumulat, katulong ang direktor na si Derick Cabrido, nakahalukay ng plot sa kanilang mga imahinasyon na gagawing matinding twist para sa iikutan ng naging buhay ng unang serial killer priest ng Pampanga, si Father Severino Mallari.

Panahon ng Kastila. Nakagawa ng mga karakter. Sa tatlong magkakaibang panahon. Tinahi. Itinawid. 

Tatlo ang katauhan ng bidang si Piolo Pascual. Si Father Mallari.  Sinamahan ng mga katauhan sa tatlong panahon. Si John Rey. Si Jonathan.

At bubusugin ng director of photography ang imahen ng mga eksenang makatindig-balahibo. Hindi pumayag ang producer nito na si Bryan Dy kung hindi rin lang top-of-the-line (Alexa 35) ang mga kamerang gigiling sa bawat eksena. Sa pamamahala ng premyadong director of photography na si Paolo Orendain, hinuli ng mga lente ang masasaksihang mga tagpo sa buhay ni Juan Severino Mallari at ang mga kuwentong binuksan nito.

Pati ang nagdisenyo ng produksiyon. Inire-create ang Simbahan sa Pampanga sa panahon ni Father Mallari. Ang sementeryo. Ang iba’t ibang lugar sa dalawa pang magkaibang panahon.

Paano pa ang mga akting?

Dito na nga nasubok ang kahusayan ng pagiging aktor ni Piolo. Na sabay-sabay nilapatan ng iba’t ibang emosyon ang mga katauhan niya. Hindi bumitaw. 

Kaya lalaban siyang tiyak sa pagka-pinakamahusay na aktor sa Metro Manila Film Festival.

Naghahanap tayo ng mga kuwentong may kinalaman sa pag-usbong ng ating kultura bilang mga Filipino. Marami ang sumakop sa atin. Maraming inihatid na mga kuwento. Si Mallari ay kakaiba. Nag-iisa. 

Bakit kailangan nating saksihan ang kuwento niya?

Mahilig ang Pinoy sa horror stories. Bentang-benta kahit mga urban legend pa ‘yan. Nakikipagsayaw tayo sa takilya para takutin ang mga sarili. May festival man o wala. Gusto natin ‘yung sumisigaw tayo sa panonood. Pero sinisiguro nating mayroon tayong mga katabi na mapapalo o matatampal sa balikat. Kahit pa isinasara o tinatakpan ang mga mata.

Si Gloria Diaz ay may napakahalagang papel bilang Donya Facunda. Si Elise Joson si Felicity. Si JC Santos naman si Brother Lucas. Si Janella Salvador si Agnes. Mahalaga rin ang papel nina Tommy Alejandrino at Ron Angeles. At ang espesyal na pagganap ni Mylene Dizon.

Siguradong mapapasigaw ang manonood sa paglapat ng tunog sa kabuuan ng pelikula. 

Lahat ng sorpresa ay mararanasan sa sinehan sa pakikipagtalamitam kay Father Mallari habang sinsisilip ang mga kuwento base sa buhay niya. Totoo ba? Na… Siya nga ba… Ang… Bakit ba? May… Ganito… Ganyan.

Maglalaro ang imahinasyon. Mag-iisip. Pero masasagot ba hinanap na tanong sa dulo? Ni Father Mallari?

Higit sa lahat, naniwala ang Warner Bros. para ipalaganap sa manonood ang proyekto.

Masaya ang tropa na makapagbukas ng ganitong pagkakataon para sa mas marami  pang kasama sa industriya.

Let’s all join the horror-ride of the season. 

About Pilar Mateo

Check Also

Jillian Ward Michael Sager

Jillian ok magkaroon ng asawa sa serye, bawal lang ang kissing scene

RATED Rni Rommel Gonzales SA My Ilonggo Girl ay leading man ni Jillian Ward si Michael Sager. Ito ang unang …

Jiro Manio Eroplanong Papel

Jiro Manio, nagbabalik-showbiz sa pelikulang ‘Eroplanong Papel’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG ganda ng pagpasok ng taong 2025 kay Jiro Manio …

BB Gandanghari Eva Cariño

BB Gandanghari nalulungkot sa tuwing tatanungin ni Mommy Eva ng ‘Sino Ka?’

MA at PAni Rommel Placente NASA ‘Pinas ngayon si BB Gandanghari.  Sa panayam sa kanya sa Fast …

Jiro Manio

Jiro Manio muling ipamamalas galing sa pag-arte sa Eroplanong Papel

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS ang ilang taong katahimikan mula sa spotlight, ang dating …

Cecille Bravo Pete Bravo Miguel Bravo Morong Raceway Park

Raceway Park malaking tulong sa turismo ng Morong 

MATABILni John Fontanilla MAYAGUMPAY ang  Groundbreaking Ceremony ng Morong Raceway Park na ginanap last January 16, 2025 …