Thursday , June 4 2026
Darlene Vibares YGIG You Go I Go

Darlene ng dating Y.G.I.G. umalagwa, nagbabalik sa kanyang Daydream

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KASABAY niya sina Darren Espanto, JK Labajo, Lyca Gairanod. Tumapak naman siya sa 3rd place. Sa The Voice Kids. Naalala niya umiyak siya noon.

Napasama sa grupong minolde para maging P-Pop sa Y.G.I.G. (You Go, I Go) si Darlene (Vibares). Sa SB Town. At sa tutelage ni Geong Seong Han na mas kilala sa tawag na Tatang Robin, at guidance ni Ms. Adie Hong, umalagwa si Darlene sa kanilang grupo. 

Okay na sana, eh. But the rigorous training and physical requirements to sing and dance did not allow her to continue with the role she was tasked to do.

Humina ang immune system ni Darlene. Kaya she had to take a rest. At alis muna sa grupo.

Pero, hindi naman humina ang kanyang tinig kaya sa pagpapatuloy niya sa pagkanta,  pinayagan pa rin siya ng SB Town to pursue her dreams.

Kaya naman, with the help of Universal Records, may mga aabangan ng kanta mula sa dalaga bilang isang soloista.

Ang DayDream. Na agad susundan ng Strong.

Malaki ang tiwala ng  pamunuan ng Universal Records sa pamumuno ni Ms. Kathleen Dy-Go na susubaybayan ng mga music lover ang kakaibang tunog na inihain ni Darlene  sa music platforms na naririnig na ang kanyang awitin.

Cute ang DayDream ni Darlene. With Korean feels. At kikiligin din tayo sa kanyang music video na may panggulat sa dulo.

Sabi rin ni Darlene, wala munang espasyo ang lovelife in her chosen path. At hindi rin  niya ikinukulong ang sarili sa iisang daan o estilo lang sa mga kantang gagawin niya.

Kung may collab na mangyayari, gusto niya siyempre to have one with Darren and Zac Tabudlo.

Easy listening. May recall. Mapapa-LSS (last song syndrome) ka sa himig at liriko ng kanta ni Darlene!

Confusion while falling in love…  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …