Friday , May 23 2025
Ana Jalandoni

Ana Jalandoni ‘di maiwan ang showbiz, nag-prodyus ng pelikula sa Japan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IKO-CONQUER na kaya ni Ana Jalandoni ang mga manonood ng Japan sa pag-showcase ng pelikula niyang Manipula na nagtampok sa kanila ni Aljur Abrenica?

Naanyayahan ang pelikula sa prestihiyosong Jinseo-Arigato International ngayong May 25-26, 2024 na gaganapin sa Nagoya, Japan.  Kaya tuwang-tuwa  si Ana na maging bahagi ng nasabing international event.

Si Neal “Buboy” Tan ang nagdirehe nito na kasama sa cast sina Rosanna Roces, Alan Paule  Kiko Matos, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Rolando Inocencio, at Mark Manicad.

Ang Manipula ay isang erotic-thriller na umikot sa isang imbestigasyon sa sunod-sunod na krimen na ang paraan ng pagpatay sa kanyang biktima ay ang pagputol ng ari.

And speaking of Japan, sumalang naman si Ana sa isang pelikula na roon kinunan ni direk Njel de Mesa, ang Otoko Oona.

Nihongo term ito na ang ibig sabihin ay lalaki at babae.

Ang kuwento nito ay tungkol sa isang manyak na lalaki na isinumpa na magkatawang babae– para maranasan niya kung paano maging isang babae.

Punompuno ito ng katatawanan dahil na rin sa mahusay na performance ni Ana, na nagsilbi ring co-producer sa pelikula.

May special participation ang “Muse of Philippine Cinema” na si Arci Muñoz sa pelikula bilang isang mangkukulam.

Unang ilulunsad ang official international trailer nito sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan sa May 25-26, 2024 na magtatampok din sa pelikula nina Ana at Aljur, ang Manipula.

Malaki ang cast ng naturang pelikula, kasama sina Kazuo Nawa, Princess Lerio, Art Orbista at marami pang iba mula sa NDM Studios Japan.

Hindi mabitawan ni Ana ang hilig sa pagganap. Kaya kahit pa sa bansang Hapon ay sumugal siya sa napisil na proyekto sa pakikipagtulungan na rin kay Direk Njel. 

Who knows? Baka sa susunod, nominasyon na sa kanyang pagganap ang maranasan ni Ana sa Land of the Rising Sun! 

About Pilar Mateo

Check Also

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …

Ariel Daluraya

PGT Ariel Daluraya puspusan ang pagsasanay

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng singer  na si Ariel Daluraya dahil nakakuha ito ng four yess …