HATAWAN
ni Ed de Leon
WALA na tayong tatanungin pa. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hiwalay na nga sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kahit na walang magsalita at umaamin. Hindi na rin kami interesado sa dahilan ng hiwalayan. Personal na nila iyon. Hindi naman masasabing nalasing si Richard at nilandi ng kung sino at nakitulog sa condo ng may condo at may nangyari. Walang ganoong kuwento.
Mukhang wala pa ngang handang magsalita sino man sa kanila na sa tingin namin ay mabuti naman dahil kung dumating ang araw na sila ay magkasundong muli at magsama wala na silang kailangang ipaliwanag pa.